TAPOS na ang barangay elections. Pero hindi pa rin tapos ang away ng mga magkakamag-anak at kapitbahay.
Nanawagan ang mga senador sa BIR na huwag nang kaltasan ang kinita ng mga guro sa barangay elections. Syempre naman kasi ka-buwis-itan at ka-tax-ilan iyan para sa mga guro na nagsilbi sa elections.
Natalo sa pagiging kagawad ang aking kumpare. Balik tambay na muna daw uli siya. Marami talagang kandidato ang lumalahok lang sa pulitika dahil wala siyang magawa sa buhay.
Marami daw mga kumandidatong kapitan ang nanalo dahil sa mga wise voters. Ibinoto kasi ng mga botante ang may pinakamalaking ibinayad. Wise talaga ang mga ito.
Nag-aaway daw ang hudikatura at Senado, kasi umaktong Senado ang hudikatura sa pagpapatalsik kay Sereno. Mas matipid ang quo warranto kaysa impeachment, kasi konti lang ang nasa payola.
Ayon kay Noynoy Aquino ay kahalintulad daw ng mangga ang desisyon ng mga kapwa mahistrado na mapatalsik si CJ Sereno sa kanyang posisyon. Pinilit daw mahinog kaya umasim at mahirap isubo. Ayon naman sa mga netizens ay ang dapat sisihin ni ex-P-Noy ay ang kanyang sarili sapagkat siya ang nagtanim ng mangga.
Iligal daw ang pagpapatalsik kay Sereno ayon kay Noynoy dahil impeachment lang daw ang dapat magpatalsik sa kanya at hindi quo warranto petition. Ewan ko ba kay Noynoy, eh Supreme Court na nga ang nagpatalsik at hindi impeachment ng Senado. At ayon sa mga senador ay magtatagal sa Senado ay iyon din lang ang mangyayari.
Masayang masaya ang grupo ng mga ikinasal noong May 8, 2018 at higit sa saya kaysa linggo-linggong mga dating ikinasal ni Mayor Thony C. Halili sa kanyang opisina sa bagong city hall. Mahigit na 4 taon nang nagkakasal si Mayor Halili at halos libo na ang kanyang naikakasal at tuwing magkakasal ay may nakalaan siyang pondo na halagang P20,000.00, na ibibigay sa ikakasal raw niya na birhen pa. Ngunit, isa sa ikinasal na si Elvie Saguan Carandang ng Barangay Boot na napangasawa ni Christonelle De Leon ng Lipa City ang nagpahayag na siya ay virgin pa. Matapos mapatunayan ang katotohanan ng kanyang pahayag ay tuwang iniabot ni Mayor Halili sa kanya ang halagang P10,000 bilang paunang bayad at bilang regalo din sa kanilang kasal. Wika nga ng mga saksi sa kasal ay seguradong dadagsa ang magpapakasal ng mga birhen sa opisina ni mayor at hindi na sa simbahan.
Magrereklamo daw si Sereno sa UN. Segurado, kampi pa more ang mga kaaway ni Pangulong Digong.
Nakipag-selfie si Vicky Belo kay Mayweather, pero ayon sa kanya ay si Pacman pa rin ang No. 1. Epal talaga!
Inendorso ni Mayweather si Bong Go sa pagka-Senador. ito lang ang endorsement na hindi niya pinagkitaan ng milyones na dolyar.
Pinatitigil na ang TRAIN Law. Nadiskaril kasi ang presyo ng mga bilihin.
Sa panahong ito lamang nangyayari ang napakaraming kasong pinag-aawayan ng mga legal experts. Iya ang tunay na legal battle.
Aktwal nang nagbobombahan ang Iran at Israel at ang battleground nila ay Syria, Posibleng maging Syria ang Pinas kapag nag-away ang US at China.
Mag-uusap daw ang Israel at Russia. Manonood lang daw, pero selos ang US!
Isosoli na lang daw ni Ben Tulfo ang P60 million PTV ads scam. Ganun lang! Walang kulong?
Mabagal daw ang kilos ni DILG Undersecretary Martin Diño, kasi hanggang ngayon ay hindi pa niya nabibilang ang mga nagwaging pushers at adik sa eleksiyon. Nasa ilalim ng DILG ang PNP at Napolcom at hindi ng Office of the President at kailangang dumiskarte na siya ngayon na!
Magsisimula na ngayon ang kampanyahan para sa 2019 elections Hindi ito bawal ayon sa Comelec.
Wala pa raw malinaw na programa ang Department of Agriculture upang mapalaki ang produksyon ng palay. Sumuko na sana siya kay Marcos at ibalik ang Masagana 99.
Mas mainam daw kung dating pulis ang mauupo sa barangay. Kasi mas maipapatupad niya nang maayos ang giyera kontra droga.|