NASA 71 years old na at ilang dekada na sa bansa, pero tanong pa rin kung bakit idi-deport pa raw ang militanteng madre na si Patricia Fox? Sagot ni Pangulong Duterte, “It’s nun of your business . I declare her persona nun grata!”
Kakandidato raw uli si Lito Lapid. May makakadebate na si Pacman!
Titigil na raw si Kim Jong Un ng North Korea sa kanyang nuclear policy. Pero hindi pa rin titigil si Pangulong Digong sa kanyang no clear policy.
Sa mga hakbang tungo sa kapayapaan ni Kim Jong Un ng North Korea ay nabago ang pagtingin sa kanya ni Pangulong Digong. Noong una ang tingin sa kanya ng Pangulo ay sira ang ulo. Ngayon ay love na love na niya ito!
Kulong ang isang hepe ng Mindoro Occidental dahil sa sabong. Sila ngayon ang nakatangkal sa piitan.
Wala na raw gumagalang kadre ng NPA sa mga pabrika ngayon. Kasi sarado na!
Inilabas na ang narco list ng mga opisyal ng barangay. Dapat ay noong isang taon pa ginawa ito nang walang magduda sa hangarin ng PDEA.
Halos lahat ng myembro ng ASEAN ay kakampi ng Pinas kontra China hinggil sa Spratlys. Iyan ang mga patalikod na saksak ni Pangulong Digong sa mga Intsik!
Lumalabo na ang pagtatayo ng ikatlong TELCO sa bansa. Sobrang lakas talaga sa gobyerno ng dalawang higante.
Dadalaw daw si Pangulong Digong sa Benham Rise. Ititirik na kaya niya ang bandila ng Pinas o dadalawin lang niya si Lapu-Lapu?
Ano raw kaya ang gagawin ng mga mananalo sa SK elections? Bukod daw sa matututong mang-kickback sa pondo ay ang susunod na hakbang nila ay maging kapitan ng barangay.
Hilo pa ang Palasyo kung papaano ang reaksiyon sa pagpapahuli sa dalawang diplomat na tumulong sa pagpapatakas ng 2 OFWs sa Kuwait. Alin ba talaga ang tama, deployment o escape?
Permanente na total deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait. Iyan ang regalo ni Duterte sa mga obrero sa Labor Day.
Sino kaya sa dalawang Ejercito ang kakandidatong muli sa pagka-Senador? Problemado ngayon si Erap!
Hirit ni Pangulong Digong sa mga OFWs sa Kuwait, “Umuwi na kayo at ako ang bahala sa inyo!.” Hay naku!
Nililinis na ang Boracay. Dapat nang isunod ang Metro Manila.
Nabulgar na takot na takot daw si Kris Aquino sa kaso ni ex-P-Noy hinggil sa Dengvaxia. Todo-sipsip siya kay Pangulong Digong at oks daw maging Second Lady huwag lang makulong si Noynoy! He he he!
Lalong tumindi ang Oplan Tokhang. Malaking epekto talaga ang balasahan sa PNP.
Hindi maalis ni Pangulong Digong ang huweteng. Takot siyang matulad kay Erap!
Marami nang naghihintay sa resbak ng Russia at Iran kontra US at Israel. Armagedon na ang darating!
Parang lumalabas na front lang ng US ang pagkontra sa human rights violations. Nakikialam talaga sila sa dati nilang tuta na ngayon ay bulldog na dahil kay Pangulong Duterte!
De aircon na selda ang isa sa nakikitang solusyon ni NCRPO chief Camilo Cascolan para maibsan ang siksikan ng mga detainees sa selda ngayong summer. Ihiwalay sa aircon dapat ang mga gumawa ng heinous o merciless crimes.
Nanumpa na sa PDP-Laban si ex-Manila Mayor Alfredo Lim. Nakaismid lang si Erap.|