MARAMI pa rin daw sisibaking Tropang Duterte sa gobyerno. Tapos na raw magbayad utang si P-Digong!
Ayaw na raw nang halos 300 myembro na maging Kadamay, dahil pinababayaran pa rin daw sa kanila ng kanilang mga opisyal iyong mga bahay na kanilang inagaw. Matampuhin pala ang mga agaw-bahay at ang mga opisyal naman ay dinaig pa ang mga akyat-bahay!
Marami daw mga South Korean businessmen ang mag-i-invest sa Pinas. Iyan ay kung di sila kikidnapin ng mga parak!
Tuloy ang usapan nina Kim Jong Un at Donald Trump sa Singapore sa June 12. Dahil Independence Day sa Pinas ay hindi raw makikiabat si P-Digong sa kanilang usapan!
Ilang Pinoy ang inaresto sa Malaysia. Wala pa raw balita ang Palasyo kung buhay pa sila o patay!
Bakit daw Boracay lang ang ipinasara ay gayong mas madumi raw ang Matabungkay at Olongapo beaches. Kumikilos daw naman daw ang mga LGUs dito sa paglilinis samantalang sa Boracay ay walang pagkilos.
Puro ihaw-ihaw na lang daw ang ititinda ng mga Karinderia. Kasi tataas daw ang presyo ng LPG.
Gaano katagal kaya ang magiging SONA ni Pangulong Duterte? Ilan kaya ang makakatikim ng kanyang pagmumura ngayon?
May bagyong namataan na naman ang PAGASA papasok sa bansa. Hanggang ngayon ay barado pa rin ang mga kanal.
Isinagawa na ang groundbreaking ceremony sa Barangay Darasa para sa itatayong building ng Tanauan City Senior High School at malawak na sports facilities na pagtatayuan din Track Oval, Indoor Stadium, Baseball at Soccer fields. Ayon kay Mayor Thony C. Halili ay magkakaroon na ng katuparan ang kanyang pangarap na mabigyan ng palaruan ang mga kabataan at mga Tanaueños upang lalong mahasa ang galing at talento nila simula sa grassroot level.
Dumalo rin sa isinagawang Ground Breaking Ceremony si Congresswoman Matet Collantes na nangakong gagawa ng paraan na madagdagan ang pondo sa pagpapatayo ng mga establisimyento dito upang lalong gumanda at katulong din ang kanyang kasamang si District Engineer Precy Ramos. Buong saya at nagpapasalamat si Kapitan Dodong Ablao sa itatayong Senior High School at Sports Complex na ito sa matagal nang nakatiwangwang na bakanteng lugal sa kanyang nasasakupan at pasalamat din ang ipinaabot niya sa nandoon ding mga myembro ng Sangguniang Panlunsod. Sa kanyang mga Kagawad at lalo na kay Mayor Thony Halili at City Administrator Atty. JunJun Trinidad.
Hindi na raw talaga maibagsak at patuloy ang pagsikat ni Maine Mendoza. Ang Dubsmash Queen, ang bagong Nora Aunor.
Desidido si Pangulong Duterte na ideklarang land reform area ang mahigit na 900 ektarya sa Boracay. Magiging pinakamagandang bukid sa buong daigdig!
Magiging malawakan ang balasahan sa PNP. Pasalubungan sila nang masigabong palakpakan!
Unlimited na ang rice import. Bagsak na ang mga magsasaka!
Uuwi na si Joma. Sana huwag mang-agaw ng baril kapag siyua ay na-Tokhang!
Pwede nang nagpari ang isang biyudo. Pwede rin kaya magmadre ang mga biyuda?
Tinamaan ng kidlat ang 2 binatilyo sa itaas ng bundok. Mabili daw sa itaas ang transmisyon sa Facebook.
Bakit daw puro kalawangin ang mga paltik na nakukuha sa mga napatay na adik at pushers. Kulang ang budget ng PNP sa mga 9mm at caliber 45.
Dinoble ng DFA ang mobile passport program sa bansa at meron na ring passport facilities sa iba’t ibang siyudad ng Luzon, Visayas at Mindanao. Madali nang makakapasyal sa iba’t ibang bansa ang mga Pinoy kahit hindi pa sila nakakapaglibot sa bansa.|